Tamang Paghawak ng Pera

Tamang Paghawak ng Pera

September 30, 2023 ang pagdiriwang namin ng ika-7 kaarawan ng aking panganay na anak. Simple at sobrang napakasaya nito dahil magkakasama kaming pamilya at walang sakit ang lahat ng miyembro. Naging posible ang mga ito dahil sa mahusay na pangangalaga ng ating kompanya na Pandayan Bookshop. Dahil dito natutunan ko kung gaano kahalaga ang pag-iimpok ng pera at kung paano ito gamitin ng tama. Ngayon ay unti -unti ko ng natutupad ang mga hinihiling ng aking pamilya at mahal sa buhay dahil sa tulong ng Pandayan Bookshop. Dahil sa aking trabaho at mga natatanging benepisyo na ibinibigay ng Pandayan ay unti-unti ko ng nararanasan na gumiginhawa ang aming buhay. Maraming salamat sa Pandayan at lalong lalo na sa aming mga Boss. Isang karangalan ang mapabilang sa isang samahang may mabubuting puso at mapag-arugang kumpanya na gaya ng Pandayan Bookshop.